Itinuturing ni Vice President at Department of Education (DepEd) secretary Sara Duterte na mga bagong bayani ang lahat ng mga guro sa buong bansa, kasabay ng paggunita sa National Heroes Day ngayong araw.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, matapang at hindi makasarili na mga bayani ang mga guro dahil sa kanilang dedikasyon na magturo.
Aniya, dapat ipagpasalamat ang sakripisyo at pagbabahagi ng mga gruo ng kanilang kaalaman para matiyak na natuto at maihatid ang isang magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.
Hinikayat naman ng Bise Presidente ang mga estudyante na pasalamatan din ang kanilang mga guro sa paggunita ng araw ng mga bayani ngayon.