Umapela sa sektor ng pagnenegosyo sa bansa si Vice President Sara Duterte upang himukin ang mga itong tanggapin sa trabaho ang mga graduates ng K-12 Program.
Sa ginanap na 8th Philippine Business Conference and Expo sa Maynila, sinabi ni Duterte na nananatili sa employment sector ang ‘diploma mentality’ kung saan mas pinipili nila ang mga nakapagtapos ng 4 na taong degree sa kolehiyo kaysa sa K-12 graduate.
Patuloy namang gumagawa ng paraan ang DepED kung paano gagawing mas handa sa trabaho at kasanayan ang mga mag-aaral na nagtapos sa K-12 program.
Matatandaan una rito, sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and industry President George Barcelon na kailangang muling pag-aralan ang K-12 system bilang konsiderasyon sa pagbabago ng teknolohiya.