Iginiit ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng pagsusulong ng kapayapaan tungo sa dekalidad na edukasyon sa bansa.
Itinalakay ang seguridad laban sa terorismo, kalakalan, at edukasyon sa pagbisita ni Vietnam Chairman of the National Assembly Vuong Dinh Hue sa Office of the Vice President.
Ibinahagi rin ni Duterte ang basic education development plan 2030 ng Department of Education, kasabay ng layunin na paigtingin ang ugnayan ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, nag courtesy call na rin sa DePED Central Office si Bangladesh Education Minister Dr. Dipu Moni kung saan napag-usapan nila ng pangalawang pangulo ang kahalagahan ng kapayapaan para matiyak ang magandang kinabukasan sa mga kabataan.
Ibinida rin ni Moni ang mga plano upang maisakatuparan ang layunin na gawing maunlad ang bansa sa taong 2041. – sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan