Hinamon ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na imbestigahan din ang confidential at intelligence fund ng Office of the President noong 2023.
Ito ang sinabi ni VP Sara kasunod ng ulat ng commission on audit na nanguna sa paggasta ang tanggapan ni Pangulong Ferdnand Marcos Jr.
Ayon pa sa Bise Presidente, kung pakay talaga ng kamara sa pagbusisi sa pondo ng kanyang tanggapan na makabuo ng batas hinggil sa confidential funds dapat ay imbestigahan lahat maging ang tanggapan ng Pangulo.
Matatandaang inihayag ng COA na top spender ang OP pagdating sa confidential and intelligence funds noong nakaraang taon na tinatayang nasa halos 5 billion pesos. – Sa panulat ni Jeraline Doinog