Nilinaw ng Department of Justice na hindi idedeklara ng pamahalaan bilang terosista si Vice President Sara Duterte.
Ito’y kasunod ng mga naging pagbabanta ng bise presidente na ipapapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr.; First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung sakali mang patayin siya.
Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Andres, nakapag labas naman na ng subpoena ang National Bureau of Investigation para bigyan ng pagkakataon ang pangalawang pangulo na ipaliwanag ang kanyang mga naging pahayag.
Samantala, kumpyansa naman si Usec. Andres na malalaman nila kung sino ang sinasabi ni VP Sara na inutusan niya para patayan sila pangulong marcos.
Giit pa ng DOJ official, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa masusing imbestigasyon. – Sa panulat ni Kat Gonzales