Tila ipinagkibit-balikat lamang ni Vice President Sara Duterte ang mga impeachment complaint laban sa kanya upang masagot niya ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanya.
Ayon kay VP Sara, mas mainam na rin ito para hindi na nadadamay ang mga tauhan niya sa Office of the Vice President at Department of Education noong siya pa ang kalihim nito.
Matatandaang dalawang impeachment complaint na ang nakahain ngayon sa kamara laban sa Bise Presidente.
Kasama sa grounds ng impeachment complaint ang kinukuwestiyong paggamit ng kanyang mga tanggapan ng confidential funds at pahayag na may inutusan na siyang papatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez may mangyaring masama sa kaniya.