Hinikayat ni vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na manawagan ng pananagutan at tunay na serbisyo-publiko sa pamahalaan.
Ginawa ni VP Sara ang pahayag sa isang video live stream, kung saan kanya ring pinasalamatan ang kanyang mga taga-suporta sa pag-protekta kay OVP Chief of Staff at Undersecretary Zuleika Lopez.
Iginiit ng bise-presidente na ayaw niya ng kaguluhan at karapatan ng mga Pilipino na sabihin ang kanilang pananaw sa mga ginagawa ng gobyerno.
Dapat aniyang hingin ng publiko sa pamahalaan kung ano ang karapat dapat para sa kanila at hindi lamang ang para sa pulitiko at mayayaman.
Ang nasawing apela ng pangalawang pangulo ay naganap matapos himukin ni dating presidential spokesperson at Atty. Harry Roque ang mga Pilipino na pumunta sa edsa bilang pagpapakita ng puwersa laban sa administrasyong Marcos.