Pinatutsadahan ni House Majority Leader at Zamboanga City Second District Representative Manuel Jose “Mannix” Dalipe si Vice President Sara Duterte sa kanyang estratehiya ng paglihis ng isyu upang makaiwas sa pananagutan sa siansabing maling paggamit ng 612.5 millions pesos confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ayon kay Congressman Dalipe, dapat nang itigil ng bise presidente ang taktika at pambubudol dahil patuloy anyang ginagamit ni VP Sara ang kanyang Chief of Staff bilang human shield.
Giit pa ng kongresista panahon na para harapin ang kongreso; sagutin ang mga tanong ng mambabatas at itigil na ang pamimintang sa iba para takasan ang mga pananagutan.
Ipinunto pa ng mambabatas na ang hindi pagdalo ng pangalawang pangulo sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay pagpapakita ng kaduwagan dahil hinihanyaan na lamang nito ang kanyang mga tauhan na humarap sa problema ng OVP.