Naniniwala ang isang Political Analyst na posibleng bahagi ng ‘narrative shift’ ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte upang ilihis ang political narrative mula sa sarili nitong mga isyu.
Ayon sa Political Analyst na si Ronald Llamas, ang mga kamakailang pangyayari sa politika ay mga strategy upang baguhin ang pananaw ng publiko.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Llamas na dapat magkaroon ng special session ang Senado sa kabila ng recess upang matugunan ang impeachment trial. – Sa panulat ni Jeraline Doinog