Nag-react si vice President Sara Duterte kaugnay sa payo ng kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte na tumigil na siya sa pulitika.
Sa press briefing sa Office of the Vice President Panay-Negros Island Satellite Office, sinabi mismo ni VP Sara na darating din ang panahon na hindi na siya sasali sa pulitika.
Gayunman, iginiit ng pangalawang pangulo na kailangan muna niyang sumagot sa mga bumoto sa kanya noong 2022 elections.
Samantala, sinabi pa ni VP Sara na sa December 2026 pa niya balak magdesisyon kaugnay sa pagtakbo bilang presidente sa 2028.