Binalaan ni Vice President Sara Duterte ang publiko sa posibleng pandaraya sa 2025 midterm elections, kasunod nang pagkakahuli sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Bise-Presidente, tanging ang buong administrasyong Marcos lamang ang dapat panagutin sa pagkaka-aresto sa dating pangulo.
Tanggalin man aniya ang kanyang ama sa equation at eleksyon, malakas pa rin ang block voting sa siyam na senatorial candidates ng PDP-Laban.
Una nang hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na iboto ang lahat ng kanyang pambato sa alyansa para sa Bagong Pilipinas dahil wala sa mga ito ang sangkot sa pagpatay sa drug war campaign, kurapsyon noong pandemya at suporta sa China sa isyu ng pinag-aagawang West Philippine Sea.