Ilang linggo bago ang 2025 midterm elections, pinaalalahanan ni Vice President Sara Duterte ang mga botante na mas maging mapanuri sa pagboto.
Kasabay nito, tinukoy rin ng Pangalawang Pangulo ang kaniyang itinuturing na mga “maling pag-uugali” ng mga Pilipino sa pagpili ng lider ng bansa.
Kaugnay nito, tila pinatutsadahan ni VP Sara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at inihalimbawa ang ipinangako nitong 20 pesos kada kilong halaga ng bigas, na anya ay nakalipas na ang tatlong taon bago pa naipatupad.—sa panulat ni Jasper Barleta