Nagpadala ng relief packs si Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga pamilyang biktima ng magnitude 7 na lindol sa Abra.
Sa tulong ng Office of the Vice President (OVP) Team na nagpunta sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Social Welfare and Development Office sa Bangued, Abra, ay naiparamdam ng pamahalaan ang pagbibigay prayoridad sa mga Pilipinong naipit ng kalamidad.
Kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Inday Sara Duterte ako movement ay naisakatuparan ng OVP Disaster Operations Center ang relief operations sa nasabing probinsya.
Kabilang sa ipinamahagi ng OVP ay ang mga bottled water, food packs, mga gamot at iba pang suplay na pinaka kailangan ng mga residenteng naapektuhan ng lindol.