Nakibahagi si Vice President Sara Duterte sa paggunita ng Israel sa pandaigdigang pag-alala sa mga biktima ng holocaust.
Hinimok din ni Duterte ang mga paaralan na gunitain ng makasaysayang pangyayari dahil maraming leksyon ang mapupulot mula rito.
Nakiisa rin sa pagdiriwang si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, na isa rin sa mga naging biktima ng holocaust.
Pinasalamatan ni Fluss si Duterte dahil sa pakikipagtulungan nito sa pag-oorganisa at pagmemorya sa holocaust sa lahat ng paaralan at pasilidad ng Department of Education.
Kaugnay nito, nagpasalamat din si Fluss kay dating Pangulong Manuel L. Quezon sa pagtanggap nito sa mahigit 1,300 Jewish refugees sa Pilipinas noong 1939. —sa panulat ni Hannah Oledan