Sa pagsalubong ng bagong taon, nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga Pilipino na magkaisa sa pagharap sa mga hamon na magpapalakas sa pilipinas bilang isang bansang may pananampalataya sa diyos at nagtutulungan para sa ikauunlad ng bansa.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang bise presidente sa pagsusumikap ng mga pilipino ng magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Samantala, hinikayat ni VP Sara ang bawat isa na salubungin ang bagong taon na umaasang magkaroon ng positibong bunga ang lahat ng pagsusumikap ng mga Pilipino. – Sa panulat ni Kat Gonzales