Nanawagan sa publiko si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio na pangalagaan ang seguridad ng bansa laban sa terorismo.
Sa ika-83 taong anibersaryo ng Koronadal City, South Cotabato at ika-23 pagdiriwang ng Hinugyaw Festival, sinabi ng bise presidente na kailangang malaman ng mamamayan ang kanilang responsibilidad para maprotektahan ang komunidad mula sa iba’t-ibang uri ng karahasan o pag-atake.
Ayon kay Vice President Duterte-Carpio, patuloy na nagsusumikap ang puwersa ng pamahalaan upang mapanatili ang peace and order at masugpo ang mga grupong nagnanais maghasik ng kaguluhan sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Samantala, iginiit din ng pangalawang pangulo ang importansya ng pagtuturo sa mga kabataan kaugnay sa kahalagahan ng edukasyon kung saan, kaniyang tiniyak ang mas malakas na child protection mechanism sa mga paaralan laban sa mga recruitment at child exploitation.