Naniniwala si Vice President Sara Duterte na kabilang siya sa mga personalidad na posibleng ipaaresto ng International Criminal Court.
Ayon sa Bise Presidente, may nakalap silang impormasyon at kabilang siya sa listahan ng mga nais ipaaresto ng ICC.
Sumagi aniya sa kanyang isip ang posibilidad na ipaaresto rin siya nang unti-unting higpitan ang kanyang pagdalaw sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa ICC sa The Hague, Netherlands.
Maliban sa kanya, nasa listahan din aniya sina Senador Bong Go, Senador Ronald Dela Rosa at ilang mga dating opisyal ng Philippine National Police.