Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa kanyang banta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ito, ayon sa Pangalawang Pangulo, ay batay sa payo ng kanyang mga abogado dahil maaari naman siyang magsumite na lamang ng affidavit.
Bukod dito, mayroon anya silang thanksgiving activities ngayong araw, Disyembre 11 at matapos nito ay uuwi siya ng Davao City upang dumalo sa libing ng kanyang tiyuhin.
Sa kabila nito, nilinaw ni NBI Director Jaime Santiago na magpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon dumalo man o hindi ang Pangalawang Pangulo,ngayong araw.