Kakasuhan din ni Vice President Sara Duterte ang Philippine National Police dahil sa sinasabing disobedience, pagnanakaw at pagkidnap.
Kasunod ito ng pagsasampa ng PNP sa bise presidente ng reklamong direct assault, disobedience at grave coercion.
Nag-ugat ang pagsasampa ng mga kaso dahil sa mga nangyari nuong nilipat si OVP Chief of Staff atty. Zuleika Lopez sa Veterans Memorial Medical Center mula sa House of Representatives Detention Center.
Iginiit naman ni vp sara na bahagi ng “Oppression” At “Harassment” Laban sa kanya ang mga reklamo ng pambansang pulisya.