Umaasa si vice presidential bet at Davao City mayor Sara Duterte–Carpio na i-eendorso ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang tandem ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos.
Ayon kay Mayor Inday, hindi pa niya nakakausap ang amapero inaasahan niyang magkikita sila pagkatapos o sa kasagsagan ng kampanya sa Marso o Abril dahil sa mga okasyon ng kanilang pamilya.
Inaasam anya nila ang suporta ng punong ehekutibo para sa Uniteam pero anuman ang maging desisyon ng ama ay irerespeto nila ito.
Bagaman tinawag na weak leader ni Pangulong Duterte si Marcos, bukas naman ang kampo ng dating Ilocos Norte Governor sa endorsment ng presidente. —sa panulat ni Mara Valle