Binalewala ni Senator Alan Peter Cayetano ang pinakahuling vice presidential survey kung saan nagunguna sina Senator Chiz Escudero at Senator Bongbong Marcos.
Ayon kay Cayetano, ang survey ay sumasalamin lamang sa sentemiyento ng tao sa partikular na oras at maari itong magbago.
Inihalimbawa nito ang pangunguna dati ni Vice President Jejomar Binay sa mga survey na sumadsad noong kasagsagan ng mga isyu laban sa kanya.
Gayundin ang mga isyu kina Senator Grace Poe at Davao City Rodrigo Duterte na malaki rin ang naidulot para mapababa o mapataas sila sa survey.
Sa survey ng Social Weather Station at Pulse Asia, lumalabas na pangatlo lamang si Cayetano sa mga pinagpipiliian upang maging Pangalawang Pangulo ng bansa.
By Rianne Briones