Hindi dapat maging choosy ang publiko sa brand ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang naging pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos tanggihang mabakunahan ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Ayon kay Sotto, pinapili ito kung anong bakuna ang nais iturok sa kanya kung saan ang available lamang ay AstraZeneca at Pfizer vaccine.
Dagdag ni Sotto, pinili nito ang AstraZeneca kahit less demand dahil pare-pareho lamang aniya ang mga bakuna kontra COVID-19.
Bukod dito, sinabi ni Sotto na magtiwala sa mga bakuna dahil ito’y ligtas, epektibo at inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).
Wala aniyang dapat ipangamba ang publiko sa pagbabakuna.