Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag iparanas ang diskriminasyon sa mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mga medical workers.
Ito’y matapos mapaulat ang ilang hindi magandang karanasan ng ilang mga health workers na tumutugon sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Sinabi ni DOH undersecretary Maria Rosario Vergerie, hindi tama ang nagiging asal ng ilan sa ating mga kababayan sa mga health workers at sa mga pasyenteng may virus.
Ani Vergerie, hindi dapat namamahiya ang iba ng mga pasyenteng may nasabing sakit.
Aniya, ang nararanasang diskriminasyon ng mga ito ay magiging dahilan para itago na lamang ng iba kahit sila ay may nararamdaman na o positibo na sa virus.
Kapag natakot na umano ang iba na magpatingin ay mahihirapan lalo na masugpo ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.