Walang dapat ipangamba ang mga business owners hinggil sa panukalang “No Booster Card, No Entry” policy.
Ayon ito kay presidential adviser for entrtepreneurship Joey Concepcion dahil ang pagpapabilis sa pagturok ng booster ay magpapahaba pa sa panahong maluwag ang pinaiiral na restrictions kung saan malayang makakakilos ang publiko.
Iginiit ni Concepcion na mabibigyan ng booster vaccine ng dagdag proteksyon ang mga humihina na ang immunity habang hinihintay namang makahabol sa dami na bilang mga primary vaccination ang mga lalawigang mayroong mababang vaccination rate.
Binigyang-diin ni Concepcion na hindi dapat tumigil ang business activities kaya’t isinusulong nila ang “No Booster Card, No Entry” policy na nagbibigay sa tao ng sapat na oras para makapagpaturok ng booster vaccine.