Hindi na dapat bigyan ng puwang ang anumang reklamo o batikos sa pagtugon ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon ito kay Dr. Nina Gloriani, pinuno ng vaccine development expert panel ng Department of Science and Technology (DOST), sa gitna na rin nang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Binigyang diin sa DWIZ ni Gloriani na dapat magkaisa ang mga Pilipino para malabanan ang virus.
Very complicated itong pandemic na ito, itong virus na to ay hindi madali. Kailangan magtulung-tulong tayo… talaga pong mahirap. Magtulungan nalang po tayo. ‘yung pagbe-blame, hindi na po dapat. Magtulungan.” ani Gloriani. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882