Ipinabubuwag na ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) party-list group ang wage boards.
Ayon kay TUCP partylist Cong. Raymond Mendoza, maghahain sya ng panukalang batas para sa buwagin ang wage boards at makahanap ng mas epektibong pamamaraan sa pagbibigay ng disenteng sahod para sa mga manggagawa.
Binigyang diin ni Mendoza na kahit may kinatawan ang grupo ng manggagawa sa wage board, namamayani ang panig ng employer dahil kalimitang sumasang-ayon sa mga ito ang mga kinatawan naman ng pamahalaan.
Each time kami nag-file ng for wage hike, ang ibinibigay P5, P20, lagging sinasabi nila na ganyan, ang liit. Poverty wages ‘yung nangyayari ngayon, e, ‘ynug P500 plus sa NCR. If we really compute and according to PSA and FNRI, ang problema ngayon is gutom, hunger. P14 nalang per meal, the family of five. Kaya ba ‘yan? Hindi disenteng sahod ‘yan, that’s survival wage,”ani Mendoza.
Samantala, pursigido rin si Mendoza na isulong ang imbestigasyon sa aksidenteng naging sanhi ng kamatayan ng aktor na si Eddie Garcia.
Ayon kay Mendoza, malinaw sa kaso ni Garcia na mayroong problema sa implementasyon ng occupational safety and health standards.
It applies the all, it goes the attention right now to the public na may problema talaga sa implementasyon. There is already a law, it applies to everyone. Ang problema l;ang, nakita niyo, for example si Eddie Garcia natumba, at first ang sabi sa GMA, sinabi nila na heart attack daw. So, it turned out pala na fractured (…). So what is important when he was lifted, walang stretcher, e. kung sa ibang bansa pa ‘yon, may injuri na ganyan, dapat neck brace, etc.,” ani Mendoza.
Ratsada Balita Interview