Inihihirit sa pamahalaan ng Department of Migrant Workers (DMW) na dagdagan ang sweldo at benepisyo ng mga Filipino nurses sa bansa.
Binigyang diin ng DMW, na ang mababang sahod ang tumutulak sa mga Pinoy Nurses para mapilitang magtrabaho sa ibang bansa.
Kasunod narin ito ng pagpapakita ng interes ng 6 na malalaking bansa na planong mag-hire ng maraming bilang ng mga nurse sa Pilipinas.
Kabilang sa mga bansang nais kumuha ng mga nurse ang United States, Saudi Arabia, Austria, Singapore, Japan at Germany na may magandang benepisyo at malaking sahod na tutugon sa pangangailangan ng mga healthcare workers.
Iginiit ng DMW, na kailangang masolusyonan ang problema ng mga healthcare workers upang mapigilan ang posibleng kakulangan ng mga nurse sa bansa.