Kasado na ngayong buwan ang pagtataas sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Central Luzon.
Ayon kay Geraldine Panlilio, Regional Director ng Department of Labor and Employment at Chairperson ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-Central Luzon, ibibigay simula Hunyo 20 ang dagdag P40 na sahod sa pamamagitan ng dalawang tranches.
Nabatid na nakasaad wage order number rb3 dash 23 ang paguutos na itaas ng P40 ang arawang minimum na sahod ng mga manggagawa sa mga pribadong establisyimento sa rehiyon.