Hindi pa tiyak kung makakatanggap ng umento sa sahod ang mga empleyado ng gobyerno sa susunod na taon.
Ayon kay Budget Secretary Butch Abad kanila pang sinusuri kung makakaapekto ang idaragdag sa sahod ng mga empleyado ng pamahalaan sa iba pang serbisyo ng gobyerno katulad ng pensyon na ibinibigay sa mga retirado.
Maliban dito, kanila pa din aniyang pinag-aaralan kung isang bagsakan ito ibibigay o kung katulad ng dati ay hahatiin sa tatlong bigayan.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)