Posibleng pagbigyan ang hirit na dagdag-sahod ng mga manggagawa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ibinunyag ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos ang pagdiriwang ng Labor Day kahapon.
Ayon kay Bello, minamadali na ang pagre-review sa mga petisyong humihiling na itaas ang minimum wage ng sa ilang rehiyon, kabilang sa Metro Manila.