Pinuri ng mga labor groups ang wage increase sa Ilocos Region na epektibo noon pang Hunyo 6.
Ayon kay Catherine Pangan, labor group representative sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-Ilocos Region, nagtanong-tanong sila sa kanilang mga kasamahan at ikinatuwa ng mga ito ang umento sa sahod.
Sinabi ni Pangan na bagama’t masasabing kulang ang 30 pesos na wage hike ay malaking bagay pa rin aniya ito para pandagdag sa mga tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.