Nagbigay na ng kanilang proposal ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa panukalang wage subsidy sa mga manggagawa at negosyong naapektuhan ng COVID 19 pandemic.
Ayon kay Labor Asec. Dominique Tutay, mayruon na rin silang naisumiteng mungkahi hinggil sa magiging source o pagkukuhanan ng pondo para sa nasabing programa.
Batay sa datos ng DOLE, aabot sa 1.6 milyong mangaggawa at 30,000 estabilisyemento ang inaasahang makikinabang sa naturang subsidiya.
Sana hanggang 3 months lamang then we will cover anywhere between 25% to 75% but the 75% masayadong malaki na po iyon. We are just looking probably 25% to 50%, depende po kung ano po ang mco-consider ng ating budget,” ani Tutay sa panayam ng Mag-Usap Tayo