Wala nang dagdag na ayuda para sa mga mahihirap na pamilya kahit pa pinairal pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos ilabas na ng gobyerno ang pondong tig-P1,000 cash o in-kind para sa mga apektado nang pinalawig na ECQ sa Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Sinabi ni Roque na tradisyunal namang ang pasok ay Lunes at Martes Santo kaya sadyang dalawang araw lang talaga ang nawalang kita sa mga mamamayan.
Inamin ni Roque na hindi magiging sapat ang P4,000 na maximum na ibibigay sa kada pamilya subalit pantawid lamang ito sa hindi makakapagtrabaho.