Wala ng panahon upang ipagpaliban ang barangay at sangguniang kabataan elections sa mayo.
Ayon kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon, masyado ng gahol sa oras lalo’t magba-bakasyon na ang kongreso.
“Siyam na araw nalang ang aming session bago kami mag holy week at pag nag break kami ng holy week ay yan po ay hanggang second Monday of May na kung saan gaganapin ang eleksyon kaya wala ng panahon para i-postpone yung barangay election na ipatuloy na daw po yan at yung dalawang balak ng congressman na ipa-postpone at isabay doon sa proposed amendment of the constitution.”
Ipinunto naman ni Drilon na mas makabubuting hintayin na lamang ang tamang panahon para sa pagbabago ng saligang batas o charter change.
“Ako’y pumunta sa Cebu para umattend nung committee on constitutional amendments hearing. Alam mo na doon sa 14 na resource person na nagsalita, wala ni isa ang nagsabi na dapat eh constituent assembly ang paraan sa pagbabago ng saligang batas. Lahat po ay sinasabi na dapat ay con-con. Yun po ay sentimyento ng mga humarap sa amin sa Cebu at pabor man sa administrasyon o hindi, ang hinihingi ay con-con. Sabi ko nga ang aking resolusyon na finile sa senado ay con-con.”
Samantala, naniniwala ang senador na mayroong ibang paraan upang mabago ang sistema ng gobyerno nang hindi kailangan ang federalismo.
“May napagusapan din na kung federalism ngunit mas marami ang sinasabi ay baka naman kung kailangan natin ng mas makapangyarihan at ang rebolusyon para sa local government ay baka pwede namang gawin sa pamamagitan ng pagbabago ng local government code ganun din sa sharing ng revenue sa gobyerno, pwede rin po yan na hindi kailangan ng federalism kung yan po ang ano ng exercise ng greater powers to the local government units and greater share.”
(From Usapang Senado Interview)