Ibinulgar ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario na wala ni isang bansa sa ASEAN kahit ang Estados Unidos ang pumigil sa bansang China sa itinatayo nitong mga military bases sa pinagtatalunang West Philippine Sea.
Sa kanyang pagharap sa United Nations General Assembly in New York, sinabi ni del Rosario na bagama’t may ilang bansa na nakikisimpatiya sa pagtutol ng Pilipinas sa ginawa ng China ay kulang ito kaya dumulog na ito sa Arbitration Tribunal sa Netherlands upang ideklarang illegal ang ginagawa nito at tahasang nilalabag ang International Law on the Sea.
Nabatid na inaasahang ilalabas ng Arbitral Tribunal ngayong buwan ang desisyon nito kung may hurisdiksyon ito sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China.
By Mariboy Ysibido