Nananatiling mga non-contact sports at iba pang mga uri ng exercise ang pahihintulutan kahit nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ) ang lugar.
Ayon sa pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC), hindi pa rin pinapayagan ang paglalaro ng basketball at volleyball sa mga lugar na nasa MGCQ.
Ang mga sports activities naman na ito ay papayagan sa mga gcq areas:
walking
jogging
running
biking
golf
swimming
tennis
badminton
equestrian
skateboarding
Paliwanag pa ng mga awtoridad, ang mga nabanggit na aktibidad ay papayagan lamang sa labas o outdoor.
Habang parehong sa indoor at outdoor naman pinapayagang gawin ang mga naturang sports activities sa mga lugar na nasa MGCQ.