Inihayag ng Malakaniyang na wala silang mai-aalok na posisyon para kay Vice President Leni Robredo.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay sa kabila ng pahayag ng Pangalawang Pangulo na handa itong tumulong muli sa administrasyon.
Ayon kay Roque, hindi niya batid ang pahayag na ito ni Robredo at natutuwa sila sa kahandaan nito pero wala pa aniya silang bakante sa ngayon.
Magugunitang mismong ang Pangulo ang nag-alok kay Robredo para maging chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) subalit sinibak din ito kalaunan.
RPE