Wala pang dalawang porsyento ang mga nakaranas ng seryosong adverse o side effects matapos mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon ito kay Dr. Lulu Bravo, Chairperson ng National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) kung saan kabilang sa nai-report sa kanilang side effects ay allergic reaction at alta presyon bagamat karaniwan ding side effects ang pagkahilo, pagsusuka, pagkahimatay, anxiety, sakit ng ulo at tiyan at pagdudumi.
Tiniyak ni Bravo ang patuloy na imbestigasyon ng komite sa mga kaso para matukoy kung dahil nga sa bakuna ang mga naranasang side effects bagama,t sa ngayon aniya ay walang ebidensya para mangamba ang publiko sa mga naturang kaso ng AEFI o adverse events following immunization.
Ikinukunsider aniyang seryoso ang AEFI kung ang pasyente ay ng agaw buhay at kinailangang ma admit sa ospital matapos mabakunahan o kaya naman ay nagkaruon ng disability o kapansanan.