Wala pang ebidensyang sa Pilipinas nakuha ng kauna-unahang kaso ng UK variant ng coronavirus.
Ito, ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, ay dahil negatibo naman sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang nasabing Pinoy nang umalis ito ng bansa noong ika-27 ng Disyembre at magtungo sa Dubai para sa isang business trip.
Sinabi sa DWIZ ni Cruz na nagsimula na sila ng contact tracing sa nasabing unang kaso, partikular bago ito lumabas ng bansa para mabatid kung saan nito nakuha ang UK variant.
Wala pa tayong evidence na dito niya ‘yon nakuha, kasi negative na sya bago sya umalis, pero itetst natin lahat ng naging close contact nya prior sya umalis within the 14 days na nagpositive sya. ‘Yung mga kapamilya niya, also ‘yung mga nakasalamuha niya, after niyang magpositive, ‘yung mga nag-asikaso sa kanya sa barangay, and also ‘yung mga nasa quarantine facility,” —sa panayam ng Ratsada Balita