Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) na wala pang gamot at bakuna para labanan ang African Swine Fever (ASF) virus.
Ito ay matapos lumabas ang mga ulat na mayroong mga nagbebenta ng gamot laban sa ASF virus.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, ang antibiotic na kasalukuyang ginagamit ay panlaban sa bacteria pa lamang at hindi sa virus.
Paliwanag nito, wala pang natutuklasang gamot na para malunbasan ang ASF.
Dapat aniyang isumbong ng publiko ang mga indibidwal at kumpanya na nagbebenta ng umano’y gamot sa ASF.
Matatandaang parami na ng parami ang mga lugar na naapektuhan ng ASF sa bansa.