Wala pang naitatalang bagong variant ng SARS-COV sa bansa.
Nilinaw ito ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) matapos i-report ng Hong Kong authorities na isang pasahero mula sa Pilipinas ang carrier ng second variant ng coronavirus.
Ayon kay PGC, sa isinagawa nitong genome sequencing, walang na-detect na UK variant sa 305 positive samples na isinumite sa kanila mula sa siyam na institusyon.
Ang mga naturang sample na sinuri ng PGC ay binubuo ng positive samples mula sa November-December hospital admissions at mula sa inbound travelers na nagpositibo nang dumating sa paliparan.
Bukod dito, tiniyak ng DOH ang mahigpit na koordinasyon sa international health regulations focal point ng Hong Kong para sa official notification at iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay sa isang residente nitong nagpositibo sa nasabing variant matapos mag biyahe sa Pilipinas.
Patuloy ang panawagan ng DOH sa lahat ng local government units at transport regulators na mahigpit na ipatupad ang health protocols sa lahat ng pagkakataon dahil ito pa rin ang pinakamabisang paraan para hindi na kumalat pa ang anumang uri ng coronavirus.
BREAKING: Wala pang naitatalang kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa Pilipinas —DOH https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/vV6fuMZJT1
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 6, 2021