Isa pang TikTok user na opisyal ng pamahalaan ang nagpahayag ng pagtutol na i-ban sa Pilipinas ang Chinese video sharing app.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, wala pa namang matibay na ebidensya o basehan para ipagbawal na ang TikTok sa Pilipinas.
Nauna na ring sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na isa ring TikTok user na wala syang nakikitang rason para ipagbawal sa pilipinas ang TikTok.
Matatandaan na banned ang TikTok sa India dahil sa isyu ng national security at privacy concerns.