Wala pang naitatalang local cases ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa ating bansa.
Ito’y ayon kay Health Secretary Francisco Duque III batay sa datos ng Philippine Genome Center (PGC) sa ginawa nitong whole genome sequencing bilang parte ng biosurveillance nito.
Paliwanag ni Duque na ang PGC ang nagsasabi sa ahensya kung tuluyan nang nakapasok ang isang variant ng virus sa ating bansa.
Dahil dito, sinabi ni Duque na ang pananatiling walang local cases ay bunsod ng mahigpit na ipinatutupad na border control at quarantine protocols laban sa pagkalat pa ng virus.