Wala pang naitatalang side effect sa pagtuturok ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa ibang bansa.
Ito ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.
Sinabi rin ni Domingo, nakuha na rin ng Pilipinas ang 3 milyon sa bakuna kontra COVID-19 mula sa China at World Health Organization-led COVAX facility.
Sa huli ani Domingo, na hinihintay nalang pirmahan ng gobyerno ang supply agreement sa Sputnik V mula Russia.
—sa panulat ni John Jude Alabado