Wala pang natatanggap na anumang nakaaalarmang sitwasyon ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) simula nang magsimula ang botohan kaninang umaga.
Ayon kay PPCRV Media Director Agnes Gervacio, mga karaniwang problema sa araw ng eleksyon pa lamang ang kanilang natatanggap na problema.
Kabilang aniya rito ang mga pumalyang vote counting machines (VCM) at mga botante na hindi mahanap ang kanilang pangalan sa listahan ng mga presinto.
Aabot sa 300,000 mga volunteers ang ipinakalat ng PPCRV sa iba’t ibang polling precincts sa buong bansa.
Samantala, agad namang magsasagawa ng unofficial parallel counting ng mga boto ang PPCRV oras na magsara na ang botohan mamayang ala-6 ng gabi.