Wala pang planong i-repatriate ang mga Pinoy gitnang silangan, partikular sa Iran at Iraq.
Ito ang nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. Sa gitna ng nagaganap na tensiyon sa nabanggit na rehiyon.
Gayunman, ayon kay Locsin, maigi nilang binabantayan ang sitwasyon sa Middle East.
Ipinanawagan naman ng DFA ang pagkansela sa mga biyahe patungong Iraq.
Sa datos ng ahensya, mahigit 1,000 documented workers ang kasalukuyang nagtatrabaho sa bansang Iraq habang 800 dito’y naninirahan sa Baghdad kung saan sumiklab ang airstrike.
Tinatayang higit 500 undocumented pinoy workers din ang nananatili sa naturang bansa.