Tiniyak ni Senate Finance Committee Chair Loren Legarda na walang ahensya ng gobyerno ang hindi makatatanggap ng kanilang ipinanukalang pondo para sa 2018.
Ang pahayag na ito ni Legarda ay nag – ugat matapos aprubahan ng Kamara ang isang libong Pisong pondo para sa CHR o Commission on Human Rights sa susunod na taon.
Ani Legarda ay hindi makakatakbo ang isang ahensya kung wala itong sapat na pondo at kailangan rin aniya na isaalang – ala kung saan kukunin ang sweldo ng mga empleyado nito.
Gayunman kailangan pa rin aniyang pag – aralan ng Senado ang ipinatutupad na programa ng bawat ahensya bago aprubahan ang panukalang pondo nito.
Maliban sa CHR , binigyan din ng kongreso ng tig – isang libong Pisong pondo ang NCIP o National Commission on Indigenous Peoples at ERC o Energy Regulatory Commission.
SMR: RPE