Nanindigan ang isa sa mga opisyal ng Philrem Services Incorporated na walang basehan ang isinampang kaso laban sa kanila
Kaugnay ito sa mahigit 80 Milyong Dolyar na ninakaw sa Central Bank ng Bangladesh na naging ugat ng Money Laundering Scandal sa Pilipinas
Ayon kay Anthony Pelejo, Compliance Officer ng Anti – Money Laundering Council o AMLC sa Philrem na walang batayan para isampa ang kaso sa hukuman
Sa katunayan ani Pelejo, agad siyang gumawa ng Suspicious Transaction Report o STR nang makatanggap siya ng utos mula sa may-ari ng Philrem na sina Salud at Michael Bautista na ilipat sa mga Casino Junket Operators ang perang hinihinalang ninakaw mula sa Bangladesh
Giit pa ni Pelejo, hindi niya itinago sa AMLC ang pagkakasangkot ni Kim Wong sa nakaw na salapi at hindi rin maaaring ibunton sa Philrem ang pagtanggi ni WILLIAM go na sa kaniya ang mga kuwesyunableng Dollar Bank Accounts sa RCBC Jupiter branch sa Makati City
By: Jaymark Dagala