Wala sa mga batang isinugod sa PCMC o Philippine Children’s Medical Center ang nag-develop ng severe dengue kahit pa nabakunahan ng dengvaxia.
Tiniyak ito ni Dr. Sonia Gonzales, spokesman ng PCMC na kabilang sa mga ospital na tumatanggap ng mga batang tinurukan ng dengvaxia.
Ayon kay Gonzales sa isandaan hanggang 150 pasyenteng dinala sa PCMC araw araw wala ni isa man ang nagpapakita ng mga sintomas ng severe Dengue.
Pinakamatindi na aniyang reklamo ng mga pasyente ay pagkakaruon ng lagnat.