Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang bagong strain ang dengue.
Ayon sa DOH, walang anumang namomonitor o napaulat na mutant strain ng dengue virus sa bansa.
Una nang ipinaliwanag ni Health Undersecratry Eric Domingo na ang dengue ay mayroong apat na strain kung saan ang DENV-1 at DENV-2 ang pangkaraniwang strain ng dengue nitong mga nakalipas na taon.
Ngunit ngayong taon ang DENV-3 strain ng dengue na madalas na tumatama sa mga biktima kaya mas marami ang nagkakasakit nito.
Ang mga nagkasakit ng strain 1 at 2 ng dengue ay mayroon nang lifetime immunity dito ngunit hindi ligtas sa iba pang strain ng dengue.